At a glance
Before you begin
Service classification
Simple
Service sector
Core Governance and Institutional Development
Prepare your documents
Checklist of requirements
Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.
| Requirement | Where to secure |
|---|---|
| Unified Application Form para sa Business Permit (1 orihinal) | OCM-Business Permit and Licensing Office |
| DTI Business Name Registration para sa solong may-ari (2 kopya); o SEC Registration para sa Korporasyon at Partnership (2 kopya); at pakilakip ang articles of incorporation/partnership, (1 kopya); o CDA Registration para sa Kooperatiba (2 kopya); at pakilakip ang articles of cooperative Tandaan: para sa Korporasyon, partnership, at Kooperatiba, isama ang articles of incorporation o articles of cooperative, alinman ang naaangkop (1 kopya) | DTI; o SEC; O CDA Registration |
| Barangay Business Clearance para sa karagdagang linya ng negosyo (1 orihinal at 1 kopya) | Nakakasakop na barangay kung saan nakatayo ang negosyo |
| Home Owner’s Association Clearance, kung ang negosyo ay nasa loob ng subdibisyon - para sa karagdagang linya ng negosyo (1 orihinal at 1 kopya) | Home Owners Association na sumasakop |
| Market Clearance, kung ang negosyo ay nasa loob o nasasakupan ng Pamilihang Bayan (1 orihinal) | Operation of the Public Market |
| Balidong ID, may lagda sa gilid (2 kopya) | May-ari ng negosyo |
| Krukis ng lugar, at litrato ng loob at buong harapan ng establisyemento (2 kopya) | May-ari ng negosyo |
| Titulo ng lupa (2 kopya) | May-ari ng negosyo/maaari ding magpabuklat sa Registry of Deeds |
| Tax Declaration ng lupa at istraktura (2 kopya bawat isa) | May-ari ng negosyo/maaari ding magpabuklat sa City Assessor's Office |
| Updated na pinagbayaran ng buwis sa lupa at istraktura (2 kopya bawat isa) | May-ari ng negosyo/maaari ding kumuha ng Tax Clerance |
| X-ray Result/s ng lahat ng empleyado para sa karagdangang linya ng negosyo (1 orihinal) 2. Fecalys/Stool Analysis kung ang negosyo ay may kaugnayan sa pagkain, para sa mga karagdagang empleyado (1 orihinal) | Medical diagnostic laboratory |
| Litrato ng karagdagang mga empleyado (1 softcopy) | empleyado |
| Request for business inspection para sa Sanitary Section (1 orihinal) | May-ari ng negosyo |
| Occupancy Permit (1 kopya) | May-ari ng negosyo |
| Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) (1 orihinal) | BFP |
| Business Permit, Sanitary Permit, FSIC, CENRO Clearance, Vet. Clearance (kung angkop), at Tourism Clearance (kung angkop) na iginawad sa kasalukuyang taon (1 orihinal) | May-ari ng negosyo |
| Special Power of Attoney, kung ang aplikante ay hindi konektado sa may-ari ng negosyo (1 orihinal at 1 kopya); at Valid Identification Card ng Awtorisadong Kinatawan; o Liham ng Pahintulot, kung ang aplikante ay empleyado ng negosyo (1 orihinal at 1 kopya); at Employees Identification Card para patunay ng trabaho (2 kopya) | May-ari ng negosyo at awtorisadong kinatawan |
| Licenses/Certificates/Registration/Clearances na kailangan ayon sa itinatakda ng Pambansang Batas kung naaangkop, pakitingnan ang kalakip na listahan (2 kopya) | Nagbibigay na National Government Agencies (NGAs) Pakitingnan ang kasamang listahan |
What happens next
Process, fees, and timeline
Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.
| Citizen / client steps | Agency action | Fees | Processing time | Person responsible |
|---|---|---|---|---|
| 1 Pumunta sa Window 3 o 5 ng BPLO. Isumite ang nakumpletong Unified Application Form at ang lahat ng dokumentaryong kinakailangan. | — | wala | — | — |
| ↳ 1.1 — | Tanggapin at suriin ang mga isinumiteng dokumento. | wala | 20 minutes | Sherie Anne Llacer, Joy Lames |
| Ikuha ng mga kinakailangang mga clearance/sertipikasyon/ permiso mula sa mga opisina na nagbibigay ng endorso, kagaya ng Zoning Clearance, Building Official Clearance, Sanitary Permit, CENRO Clearance, Vet. Clearance (kung ang negosyo ay pasilidad/klinika ng hayop, pagpapastol o pagpapalaki ng hayop, pagbebenta ng mga feeds at produktong beterinaryo), Tourism Clearance (mga negosyo na may kaugnayan sa turismo). | ||||
| ↳ 1.2 — | Suriin ang mga dukomentong isinumite, magsagawa ng inspeksyon kung kailangan. Kung ang aplikasyon ay aprubado sa business locational clearance batay sa pagsusuri, gumawa ng Zoning Clerance at pa-aprobahan sa hepe ng Zoning Office at ipagkaloob. | 200 | 2 working days | Maricel Abadilla, Josef Allen Derada |
| ↳ 1.3 — | Suriin ang mga dokumentong isinumite . Kung aprobado, magbigay ng billing assessment para sa OBO Clearance. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 1 hour | Joe Brian Jader, Maidee Ann Salvan, Maria Leila Jarena |
| ↳ 1.4 — | Suriin ang mga dokumentong isinumite . Kung aprobado, magbigay ng Sanitary Permit. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 45 minutes | April Wendy Ponce, Michael Baldovino, Olive Caagbay, Rizaldy Ramos, Rommel Sate |
| ↳ 1.5 — | Suriin ang mga dokumentong isinumite . Kung aprobado, magbigay ng CENRO Clearance. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 35 minutes | Arnel Sambajon, Czarina Jaballa, Roan Pabilonia |
| ↳ 1.6 — | Suriin ang mga dokumentong isinumite . Kung aprobado, magbigay ng Veterinary Clerance, kung angkop. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 45 minutes | Alfredo Lafuente, Felix Arnel Jr. Ratuiste, Maira Suhmithrah Valbuena |
| ↳ 1.7 — | Suriin ang mga dokumentong isinumite . Kung aprobado, magbigay ng Tourism Clearance, kung angkop. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 1 hour and 30 minutes | Roderick Abadilla |
| ↳ 1.8 — | Ipasok o i-encode sa computer system ang mga datos na nakatala sa business permit unified application form para sa karagdagang linya ng negosyo. I-print ang computer generated application form at ipa-review sa client bago papirmahin. Ipadala sa Assessment. | wala | 30 minutes | Sherie Anne Llacer, Joy Lames |
| 2 Tanggapin at basahin ang Billing Statement. Kung walang katanungan o pagtutol sa kwentada ng bayarin, pirmahan ang Order of Payment at kunin ang kopya, unified application Form, at iba pag mga dokumentong kalakip. Pumuta sa Step 3 sa Window 8 o 9 ng BPLO o dikaya ay sa Window 7 ng Tanggapan ng ingat-yaman. | — | wala | — | — |
| ↳ 2.1 — | Suriin ang mga dokumentong may kaugnayan sa pag kwenta ng bayarin, mag log-in sa computer system at gawan ng kwentada. I-print ang Billing Statement ng 4 na kopya. I-isyu ng Tax Order of Payment sa kliyente at itabi ang kopya ng pagkatanggap. | Alinsunod sa itinatakda ng kasalukuyang umiiral na Kautusang Pambuwis | 15 minutes | Aurea Resare, Jerson Palambiano, Rommel Eballa |
| 3 Bayaran ang halagang nakalagay sa Order of payment mula sa LGU Tayabas at BFP Order of Payment Slip sa Window 8 o 9 ng BPLO o di kaya ay sa Window 7 ng Tanggapan ng Ingat-yaman. Tanggapin ang Official Receipt, updated Business Permit, Sanitary Permit, Fire Safety Inspection Certificate, CENRO Clearance, Vet. Clearance (kung ang negosyo ay pasilidad/klinika ng hayop, pagpapastol o pagpapalaki ng hayop, pagbebenta ng feeds at mga produktong beterinaryo), Tourism Clearance (mga negosyo na may kaugnayan sa turismo), atbp. | — | wala | — | — |
| ↳ 3.1 — | Tanggapin ang kabayaran para nakatala sa Order of payment mula sa LGU at BPF Oder of Payment Slip at ibigay ang kaukulang resibo. | wala | 2 hours and 5 minutes | Roy Suministrado, Maria Teresa Condino, Nena Egamino |
| ↳ 3.2 — | Iproseso at ipri-print ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC). | wala | 15 minutes | SFO2 Fernando D Pureza II Fire Safety Inspector, SFO1 Mitchelle Josep P Reyes Chief Fire Safety Enforcement Section |
| ↳ 3.3 — | Suriing muli ang mga dukumento, aprubahan sa computer system at iprint ang Business Permit Certificate. | wala | 10 minutes | Sherie Anne Llacer, Joy Lames, Mark Jay Sumilang |
| ↳ 3.4 — | Paghiwalayin ang nakalakip na mga dokumentong kailangan para sa kliyente at para sa mga file sa opisina. Ipa review sa BPLO Section Head at palagyan ng initial. Layan ng dry seal at itala sa record book. Dalhin ang Business Permit sa Tanggapan ng Punong Lungsod o awtorisadong kinatawan para sa pag-apruba at pirma. | wala | 10 minutes | Kiven Wilmer Rayel |
| Hintayin mula sa Tangapan ng Punong Lungsod ang inaprobahang Business Permit. | ||||
| ↳ 3.5 — | Ibigay ang aprubadong Business Permit, FSIC, Official Receipt, at iba pang kaugnay na clearances/ certificates/permit. Palagdaain ang kliyente sa record book bilang patunay ng pagtanggap. | wala | 5 minutes | Kiven Wilmer Rayel |
This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.
