Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines

Financial Administration

City Government of Tayabas

Office of the City Budget Officer

Tayabas City department heads

Office profile

Serving Tayabas with accountable, accessible public service.

About the office

Mandate and work

Mandate

Ang Tanggapan ng City Budget Office ay nilikha sa bisa ng Seksyon 354 ng Republic Act Blg. 7160. Pangunahing tungkulin nito ang magbigay ng teknikal na tulong at suporta sa Local Chief Executive sa mga yugto ng paghahanda (PREPARATION), pag-aapruba (AUTHORIZATION), pagpapatupad (EXECUTION) at pananagutan (ACCOUNTABILITY) upang matiyak ang maayos na pamamahala ng pondo ng lungsod.

Mission

Ang City Budget Office ay nagkakaloob ng teknikal na kaalaman, gabay, at suporta sa pagproseso ng mga pangangailangang pangbadyet ng Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang pagtugon sa mga obligasyong pinansyal nito sa mga tanggapan, kawani, mga supplier, mga Non-Government Organizations (NGOs), Indigenous People (IP's) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mahusay na pagpaplano at pamamahala ng mga kita at gastusin, gayundin ng tumpak, maagap, at episyenteng pagproseso ng mga dokumento na pangbadyet.

Vision

Isang mahusay at maasahang tanggapan na nagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangbadyet.

Service pledge

Kami, ang mga opisyal at kawani ng City Budget Office, ay nangangakong itaguyod ang Pagiging bukas at malinaw (transparency), may pananagutan (accountability), kahusayan (efficiency), at Responsableng Pamamahala sa Pananalapi (fiscal responsibility) at sa paggamit ng pondo ng lungsod. Nangangako kaming magbigay ng maagap, mahusay, at magalang na serbisyo sa lahat ng aming kliyente. Tapat naming tutugunan ang kanilang mga pangangailangan at maglilingkod ng higit sa tinakdang opisyal na oras ng trabaho, kabilang ang oras ng pananghalian, habang pinananatili ang mataas na antas ng serbisyong pampubliko.

Citizen’s Charter

Services handled here

Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.

0 services

No published service guides are linked yet.

Please contact the office for available transactions and current requirements.

Also in this sector

Related offices