About the office
Mandate and work
Mandate
Ang Community eCenter ay isang pasilidad na nagbibigay sa publiko ng abot-kayang paggamit at mga pakinabang sa mga serbisyong nakabatay sa Information and Communications Technology (ICT), tulad ng internet, e-mail, pagsasanay sa paggamit ng kompyuter, distance learning, mga online na serbisyo, at iba pang uri ng serbisyo at impormasyon na kapaki-pakinabang sa komunidad. Layunin nitong suportahan ang edukasyon at isulong ang personal, panlipunan, at pang-ekonomiyang pag-unlad ng mga mamamayan.
Mission
Bukas.. at sa mga taon pang darating ay aming natatanaw ang isang maunlad at matatag na Community e Center na nagsusulong ng mataas na kalidad at abot-kayang ICT para sa mgaTayabasin.
Vision
Kaakibat ng proyektong pangkaunlaran ng Tayabas, ay aming masidhing ipapatupad ang abot-kaya at mataas na kalidad na serbisyong pangteknolohiya sa larangan ng impormasyon at pakikipag talastasan sa animnaput anim na barangay ng bayan.
Service pledge
Kami, ang mga kawani ng Community eCenter Office, ay taimtim na nangangakong maglingkod sa publiko nang may dedikasyon at integridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa iba't ibang teknolohiya at pagtataguyod ng panghabambuhay na pagkatuto. Kami ay nakatuon sa paglilingkod sa lahat ng kliyente nang may paggalang, kagandahang-asal, at propesyonalismo sa oras ng opisina, maging sa oras ng pananghalian, upang matiyak na ang aming mga serbisyo ay nananatiling tuloy-tuloy, maaasahan, at naaabot ng lahat.
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
Also in this sector

