About the office
Mandate and work
Mandate
Ang tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod ay sumasailalim sa kautusan ng Batas Republika 7160 upang managot sa pangangasiwa ng pangkalahatang paglilingkod, gaya ng pamamahala sa mga kagamitan at materyales; gawing pakinabangan nang matagal ang mga kagamitan; pangangalaga ng mga ari-arian, mga gusali, mga liwasan at ibang pasilidad; pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga nabanggit; pagpapalinis at pagkakaloob ng serbisyo ng pagmamaneho ng sasakyan; pagsisinop at pamamahala ng talaan; mga pananagutan hinggil sa seguridad; pagsasanggalang sa mga tao at kagamitan; pagsasaayos at pagtatanggal ng mga sukal at basura sa panahon o bago magkaroon ng kalamidad o sakunang likha ng tao o kalikasan.
Mission
Pinalakas ng mga mahuhusay at tapat na kawani na nakatuon sa mga pinakamahusay na pamamaraan, pananagutan, at mabuting pamamahala sa pag-abot ng mga layunin at hangarin nito na itinakda ng batas hinggil sa pamamahala ng suplay at ari-arian, pagpapanatili ng mga gusali at paligid, kuryente, tuberya, kagamitang elektroniko, magaan na sasakyan, at iba pang serbisyo, pati na rin ang mga kahilingan sa paggamit ng sasakyan, kagamitan, at pasilidad ng pamahalaan.
Upang maging isang maaasahan, epektibo, mahusay, at napapanatiling tagapagbigay ng serbisyo sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan at sa publiko sa pamamagitan ng mga kwalipikado, sinanay, at may karanasan na mga kawaning teknikal at di-teknikal na mabilis na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga kliyente sa tamang oras at sa tamang lugar.
Vision
Ang tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod ng Lungsod ay umaasam na makakapagtatag ng isang kaaya-aya at mapagtitiwalaang tanggapan, bodega, at paradahan ng mga pampublikong sasakyan at mabibigat na kagamitan kaugnay sa konstruksyon.
Ito ay upang magkaloob ng mga epektibong plano ng pagkilos para sa seguridad, pagpapanatili ng mga kagamitan at pasilidad, pagpapaganda ng mga parke (landscaping), at masistemang mga pamamaraan at programa upang mapabilis ang sistema ng pagbili (procurement), pagtatala, sistema ng pag-iimbak, at paglalabas ng mga ari-arian at supply, pati na rin ang pagkuha ng mga rekord at tamang pagtatapon o pamamahagi ng mga ari-arian ng pamahalaang lungsod.
Service pledge
Nangangako kami na gaganapin ang mga itinakdang tungkulin at pananagutan na nakasaad sa RA 7160 at sa mga kaugnay na ordinansa na naipasa at naaprubahan ng lokal na punong ehekutibo. Bukod dito, mahigpit na ipinatutupad ng aming tanggapan ang patakarang "no-noon break" sa ilalim ng Seksyon 21(f) ng R.A. 11032, na kung saan ay ipinagbabawal ang "hindi pag-asikaso sa mga aplikante o humihiling na partido na nasa loob ng nasasakupan ng tanggapan o ahensya bago matapos ang opisyal na oras ng trabaho at sa oras ng tanghalian."
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
No published service guides are linked yet.
Please contact the office for available transactions and current requirements.
Also in this sector

