About the office
Mandate and work
Mandate
Ang Panlungsod na Tagatalang Sibil ang namamahala sa programa ng rehistrasyong sibil ng lokal na pamahalaan alinsunod sa Civil Registry Law, Civil Code at iba pang kaugnay na batas, tuntunin at regulasyon gaya ng itinatadhana sa Seksyon 479(b) ng Local Government Code. Sa ilalim ng Batas Blg. 3753, ang rehistrasyong sibil ay tuloy-tuloy, permanente at sapilitang pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa buhay at mga katangian ng mga ito ayon sa batas. Itinatala sa angkop na mga aklat ng rehistro ang mga katotohanan at gawaing may kinalaman sa katayuang sibil ng tao, mula kapanganakan hanggang kamatayan pati ang mga pagbabagong nagaganap dito.
Nasasaad sa Administrative Order Blg. 1, serye ng 1993, ang mga tuntunin sa pagpapatupad ng Batas Blg. 3753 at iba pang batas sa rehistrasyong sibil. Inilabas ito ng Tanggapan ng Civil Registrar General.
Mission
Itala, pangalagaan at magbigay ng sertipikadong kopya ng mga tala ng mahahalagang pangyayari at gawaing nakaaapekto sa katayuang sibil ng tao, kasama ang mga kasunod na pagbabago, nang kumpleto at maagap sa loob ng itinakdang panahon at alinsunod sa umiiral na batas.
Vision
Isang pamayanang may 100% rehistrasyong sibil sa pamamagitan ng makabago at malikhaing pamamaraan at digital na pag-archive upang maging mabilis, maaasahan, madaling maabot at mahusay ang mga serbisyo.
Service pledge
Kami sa City Civil Registry Office ng Lungsod ng Tayabas, Quezon ay nangangakong:
> Bumuo at magpanatili ng matatag na sistema ng rehistrasyong sibil sa tapat, magalang, apre-pareho, mahusay at matipid na pagpapatupad ng mga batas;
> Itaguyod ang mga mithiin ng rehistrasyong sibil sa pamamagitan ng propesyonalismo, pagiging produktibo, disiplina, katarungan at paninindigan;
> Unahin ang kapakanan ng publiko kaysa pansariling interes at pairalin ang etika, kahusayan at malinaw na pamamahala;
>Tulungan ang lahat ng nangangailangan ng serbisyo, anuman ang paniniwala, katayuan o kultura; tanggapin ang puna at pananagutan ang aming mga pasiya;
> Panatilihin ang katapatan, integridad, kakayahan, sipag, pagtugon, pagpapasya, pagkamalikhain, pagtutulungan at paggalang sa tungkulin;
> Sundin ang Anti-Red Tape Act at maglingkod sa opisyal na oras, pati sa tanghalian ayon sa No Noon Break Policy.
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
No published service guides are linked yet.
Please contact the office for available transactions and current requirements.
Also in this sector

