Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines

Core Governance

City Government of Tayabas

Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod

Tayabas City department heads

Office profile

Serving Tayabas with accountable, accessible public service.

About the office

Mandate and work

Mandate

Ang Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod (Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod o OSSP) ay may mandatong magsilbing kalihiman ng Sangguniang Panlungsod at tiyaking maayos, episyente, at tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga prosesong lehislatibo. Ang legal na batayan nito ay pangunahing nakasaad sa Republic Act No. 7160, na higit na kilala bilang Local Government Code of 1991, partikular sa Seksyon 469, na nagtatakda ng paraan ng paghirang, mga kwalipikasyon, at mga tungkulin ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod. Bukod dito, ang iba pang mga tungkulin ng tanggapan ay itinakda rin sa Charter ng Lungsod.

Mission

Bilang katuparan ng aming Bisyon, ang Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod ay nagsisikap na magbigay ng mahusay na serbisyong pangkalihiman at suporta sa mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod upang maisulong ang mabuting pamamahalang lokal at ang maayos na pagpapatupad ng mga prosesong lehislatibo.

Vision

Isang lubos na propesyonal na hanay ng mga kawani sa larangan ng lehislatibo at administratibo na naglilingkod sa publiko nang may integridad at pananagutan.

Service pledge

Kami ay nangangakong:

1. Dumalo sa lahat ng itinakdang regular at espesyal na sesyon ng Sangguniang Panlungsod at mahusay na itala at panatilihin ang opisyal na journal ng mga naging talakayan at proceedings nito.
2. Dumalo sa mga nakaiskedyul na pulong ng mga komite, mga pagdinig ng komite, pampublikong pagdinig, at pagdinig sa badyet na itinakda ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, at maayos na idokumento at panatilihin ang opisyal na talaan ng mga naging proceedings nito.
3. Agarang isumite sa Punong Tagapangulo (Presiding Officer) para sa kanyang lagda ang lahat ng mga ordinansa, resolusyon, at iba pang mga opisyal na hakbang ng Sangguniang Panlungsod.
4. Kaagad na ipamahagi ang lahat ng mga paunawa at kaugnay na korespondensiya hinggil sa mga paanyaya sa pagdalo sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod.
5. Masigasig na ipaskil ang lahat ng mga ordinansang may kaukulang parusa at mga kaugnay na paunawa sa hindi bababa sa dalawang (2) lantad at madaling mapansing lugar sa lungsod sa loob ng limang (5) araw mula sa pag-apruba ng mga ito, at panatilihing nakapaskil sa loob ng hindi bababa sa tatlong (3) magkakasunod na linggo.
6. Tiyakin ang napapanahong pagpapalathala ng mga kinakailangang dokumento sa isang pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon, kung mayroon, sa loob ng teritoryal na nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.
7. Agarang ipasa sa Punong Ehekutibo ng Lungsod ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang lagda, pagpapatunay (attestation), at/o pag-apruba.
8. Agarang isumite sa Sangguniang Panlalawigan ang lahat ng mga ordinansa at resolusyon para sa kaukulang pagsusuri.
9. Magbigay ng maagap at mahusay na suporta at tugon sa mga kliyente hindi lamang sa oras ng opisyal na trabaho kundi maging sa oras ng tanghalian.

Citizen’s Charter

Services handled here

Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.

0 services

No published service guides are linked yet.

Please contact the office for available transactions and current requirements.

Also in this sector

Related offices