About the office
Mandate and work
Mandate
Ang Office of the City Tourism Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas, kasama ang Culture and the Arts Section, ay pangunahing responsable sa pagpaplano, pagpapatupad, pangangasiwa, at koordinasyon ng mga programang panturismo, lokal na pagdiriwang, pista, pangkultural na kaganapan, at iba pang gawaing naglalayong isulong at paunlarin ang turismo, kultura, at sining ng Lungsod ng Tayabas.
Tungkulin din ng Tanggapan na itaguyod ang mga rehistradong Tourism Enterprise, lokal na produkto at pagkain, mga destinasyong panturismo, pamanang pook, at iba pang establisimyentong may kaugnayan sa turismo sa pamamagitan ng promosyon, dokumentasyon, koordinasyon, at iba pang kaukulang gawain.
Kabilang din sa mandato ng Tanggapan ang pangangalap at pagtatala ng datos ukol sa mga turistang bumibisita sa lungsod, pagpapadali ng tourist assistance at tour guiding services, at pagpapatupad ng mga kaukulang probisyon ng Ordinansa Blg. 22-55 o Local Code on Tourism.
Sa larangan ng kultura at sining, ang Tanggapan ay responsable sa pananaliksik at dokumentasyon ng lokal na kasaysayan, tradisyon, sining, at mga ari-ariang pangkultura; inspeksiyon at pagsubaybay sa mga pamanang kultural; pagpapanatili ng imbentaryo ng mga ari-ariang pangkultura; pakikipag-ugnayan para sa Philippine Registry of Heritage (PRH) at pagsasagawa ng cultural mapping, alinsunod sa Republic Act No. 10066, na inamyendahan ng Republic Act No. 11961, at iba pang pamantayan ng mga pambansang ahensiya sa kultura.
Mission
Ang Office of the City Tourism Officer ay magsusulong at magpapaunlad ng turismo, kultura, sining, kasaysayan, at pamanang kultural ng Tayabas sa pamamagitan ng mahusay na serbisyo, responsableng promosyon, pananaliksik, dokumentasyon, pangangalaga, koordinasyon, at pagpapatupad ng mga makabuluhang programa at proyekto, upang mapalakas ang lokal na ekonomiya at maipakilala ang Lungsod ng Tayabas bilang “Tahanan ng Kultura at Sining ng Lalawigan ng Quezon.”
Vision
Isang maunlad, responsable, inklusibo, at napapanatiling lungsod na kinikilala bilang isang pangunahing destinasyong panturismo at sentro ng kultura at sining, na nagpapahalaga sa pamumuhay, pagkain, tradisyon, ritwal, kasaysayan, mga pagdiriwang, at pamanang kultural ng mga Tayabasin, habang pinangangalagaan ang kapaligiran at yamang kultura para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Service pledge
Kami, ang Office of the City Tourism Officer, kasama ang Culture and the Arts Section, ay nangangakong isabuhay ang TURISMO AT KULTURA:
T – Tapat at magiliw na pagtanggap at paglilingkod sa mga lokal at dayuhang turista at sa lahat ng kliyente;
U – Umaangat at de-kalidad na pagsasagawa ng mga programa, kaganapan, at serbisyong panturismo, pangkultura, at pansining;
R – Responsableng pagtataguyod, pangangalaga, at paggamit ng mga destinasyon, pasilidad, at pamanang kultural;
I – Impormatibo, tumpak, at madaling maabot na tourist assistance, impormasyon, pananaliksik, at dokumentasyon;
S – Sulit at makabuluhang karanasan para sa mga bisita at pamayanan;
M – Mahusay, maagap, inklusibo, at propesyonal na paghahatid ng serbisyo alinsunod sa Filipino Brand of Service Excellence;
O – Obhetibo at makabagong pamamaraan sa promosyon at pagpapaunlad ng turismo, kultura, sining, at pamanang kultural;
Kami ay handang tumugon at magbigay ng serbisyo sa mga kliyente sa oras ng opisyal na trabaho, kabilang ang oras ng tanghalian.
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
No published service guides are linked yet.
Please contact the office for available transactions and current requirements.

