About the office
Mandate and work
Mandate
R.A. 7160- Inoobliga ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan (Local Government Code) ang mga pamahalaang panlalawigan at panlungsod na magkaroon ng sarili nilang mga opisyal na beterinaryo, upang matiyak ang paghahatid ng mga pampublikong serbisyong beterinaryo.
R.A. 9482- Batas Laban sa Rabies (Anti-Rabies Act) na nagtatakda para sa pagkontrol at pagsugpo ng rabies sa tao at hayop, nagpapataw ng mga parusa sa paglabag nito, at naglalaan ng pondo para dito. Ang Batas na ito ay nagbibigay-daan sa pagkontrol, pagpigil sa pagkalat, at tuluyang pagpuksa ng rabis sa tao at hayop.
Kautusang Panlungsod ng Tayabas sa Rabies 10-01 (Tayabas City Rabies Ordinance 10-01)- Nagtatakda ng mga kaukulang alituntunin upang maprotektahan ang mga mamamayan at hayop na naninirahan sa Lungsod ng Tayabas laban sa impeksyon ng rabies, alinsunod sa mga naaangkop na probisyon ng Batas Republika Blg. 9482 na kilala rin bilang Batas sa Rabies ng 2007 (Rabies Act of 2007).
Mission
Nakatuon na maghatid ng mataas na kalidad at propesyonal na mga serbisyong beterinaryo sa mga kliyente, upang:
1. maiwasan at makontrol ang paglaganap ng mga epidemya ng sakit sa hayop;
2. matiyak ang pagtataguyod ng responsable at mapanagutang pag-aalaga ng hayop (responsible pet ownership) at ang kapakanan ng mga hayop sa pangkalahatan; at
3. mapangasiwaan at maiayos ang pag-aalaga ng mga domestikadong hayop.
Vision
Aktibong nakikilahok ang mga nag-aalaga ng mga hayop sa sakahan at mga may-ari ng alagang hayop sa pagtataguyod ng isang malusog na komunidad ng mga hayop, bunga ng mga de-kalidad na serbisyong beterinaryo sa Lungsod ng Tayabas.
Service pledge
Upang matiyak ang mataas na kalidad at tuluy-tuloy na serbisyo, kami ay nangangakong pagsisilbihan ang lahat ng kliyente na nasa loob ng aming tanggapan bago matapos ang opisyal na oras ng pagtatrabaho, maging sa oras ng tanghalian, alinsunod sa itinatakda ng Batas Laban sa Red Tape ng 2007 (Anti-Red Tape Act of 2007).
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
No published service guides are linked yet.
Please contact the office for available transactions and current requirements.
Also in this sector

