About the office
Mandate and work
Mandate
Manguna sa pagbuo, organisasyon, at pagpapanatili ng mga kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas upang ang mga ito ay maging matatag, kapaki-pakinabang, at tumutugon sa mga negosyong pang-ekonomiya, partikular ang mga sumusunod:
a) Bumuo ng mga panukalang hakbang para sa konsiderasyon ng Sangguniang Panlungsod, at magbigay ng teknikal na tulong at suporta sa Punong Lungsod sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kooperatiba, at sa pagbibigay ng akses sa mga naturang serbisyo at pasilidad; at
b) Magbalangkas ng mga plano at estratehiya at, kapag ito ay naaprubahan, ipatupad ang mga ito, lalo na ang mga may kaugnayan sa integrasyon ng mga prinsipyo at pamamaraan ng kooperatiba sa mga programa at proyektong maaaring ipatupad ng Punong Lungsod at pondohan ng Sangguniang Panlungsod.
Mission
Palakasin, Panatilihin, at Palawakin ang sektor ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang pangkaunlaran na direktang makikinabang ang mga kooperatiba at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga sumusunod:
1. Ang lokal na konseho ng kooperatiba, unyon, at pederasyon sa pagpapahusay ng kakayahan ng pangkalahatang kasapian, mga opisyal, at empleyado ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay, seminar, workshop, benchmarking/simulation na mga gawain, at suporta sa business incubation;
2. Mga lokal na organisasyon o grupo ng mga nagnenegosyo, partikular ang mga tanggapan ng national at lokal na pamahalaan, academe, at religious sektor sa pagtatatag ng mga pamilihan, ugnayan, at mga network; at
3. Ang lokal na bangko ng kooperatiba at iba pang pampublikong at pribadong financial institutions, mga donor, at mga tagapamagitan sa pagpapalawig ng pautang sa mga karapat-dapat na benepisyaryo ng programa.
Vision
Pagsapit ng 2028, ang Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Kooperatiba ng Lungsod ng Tayabas, katuwang ang mga kooperatiba at iba’t ibang sektor mula sa pampubliko at pribado, ay magiging nangungunang tanggapan sa CALABARZON sa pagsusulong ng pag-oorganisa, promosyon, rehabilitasyon, pagpapalakas, at pagpapaunlad ng mga kooperatiba at iba pang kabuhayang pangnegosyo. Layunin nitong matiyak ang inklusibong pag-unlad ng lokal na ekonomiya, katatagan, at pagpapanatili ng kaunlaran ng Lungsod ng Tayabas at ng mga mamamayang nitong may pananampalataya sa Diyos.
Service pledge
Kami ay nanunumpa sa mga nabanggit na tungkulin at gawain; ang Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Kooperatiba ay:
1. Mangunguna sa pagtukoy ng mga grupo, sektor, o komunidad na maaaring maorganisa bilang mga kooperatiba upang magsilbing instrumento sa pagbawas ng kahirapan, paglikha ng trabaho, at pagpapaunlad ng socioeconomic status ng lungsod ng Tayabas;
2. makikipag-tulungan sa Cooperative Development Authority (CDA), magbigay ng tulong sa prospective cooperatives sa pagsasagawa ng kinakailangang pre-registration seminar at/o pre-membership education seminar, at sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro;
3. Makikipagtuwang sa CDA, Department of Trade and Industry, iba pang ahensya ng pamahalaan, mga unyon at pederasyon ng kooperatiba, acadene, at iba pang pribadong organisasyon, magbigay ng teknikal at iba pang uri ng tulong sa mga rehistradong kooperatiba upang mapahusay ang kanilang kakayahang maging matatag na negosyong pang-ekonomiya at organisasyong panlipunan, kabilang ngunit hindi limitado sa pagsasanay at edukasyon, pamamahala ng negosyo, pananalapi, at pamamahala sa pananalapi;
4. Tutulong sa mga kooperatiba sa pagtatatag ng ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan, mga unyon at pederasyon ng kooperatiba, academe, at mga non-government organization na kabilang sa pagtataguyod at integrasyon ng konsepto ng kooperatiba sa kabuhayan ng mamamayan at iba pang gawain sa komunidad;
5. Tumulong sa mga kooperatiba sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano sa pamamahala ng panganib at business continuity plans bilang tugon sa inaasahan o di-inaasahang gawa ng tao at likas na kalamidad at sakuna, upang makatulong sa kanilang pagpapatuloy at, kung kinakailangan, sa kanilang rehabilitasyon;
6. Magrerekomenda sa sanggunian at magbigay ng payo sa Pungong Lungsod, kung naaangkop, sa lahat ng usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kooperatiba na magpapabuti sa kabuhayan at kalidad ng buhay ng mga mamamayan;
7. Isasagawa ang iba pang kapangyarihan at gampanin ng mga tungkulin at gawain na maaaring itakda ng batas o ordinansa; at
8. Tumutulong sa mga kliyente sa loob ng opisyal na oras ng trabaho at maging sa oras ng pananghalian.
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
No published service guides are linked yet.
Please contact the office for available transactions and current requirements.
Also in this sector

