Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines

Core Governance

City Government of Tayabas

Office of the Human Resource Management Officer

Tayabas City department heads

Office profile

Serving Tayabas with accountable, accessible public service.

About the office

Mandate and work

Mandate

Maging kaagapay ng Punong Lungsod sa mabisa at mahusay na pagpapatupad ng mga batas, patakaran, at alituntunin ng Civil Service Commission (CSC) na may kinalaman sa pamamahala ng mga kawani ng pamahalaan, partikular sa pagpapatupad ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM).

Mission

Itataguyod namin ang pag-unlad ng kakayahan ng mga kawani at ang pagbuo ng isang maayos, kumpleto sa kagamitan, at angkop na kapaligiran sa pagtatrabaho tungo sa mahusay at de-kalidad na serbisyong pampubliko.

Vision

Isang mahusay, nagkakaisa, at makataong organisasyon na pinamumunuan at pinatatakbo ng mga may kakayahan, may mataas na motibasyon, at malasakit sa paglilingkod; nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, kalidad, kahusayan, at kagalingan ng mga kawani sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

Service pledge

Kami ay nangangakong:


1. Tiyakin na ang mga kawani ay may sapat na kakayahan, kwalipikasyon, at kinakailangang suporta upang maisagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin, kabilang ang pagkakaroon ng angkop na lugar ng trabaho, sapat na kagamitan, at maayos na kapaligiran para sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pampubliko.

2. Magbigay ng maagap, magalang, at nararapat na serbisyo sa lahat ng kliyente at tiyaking ang kanilang mga kahilingan at pangangailangan ay aasikasuhin hanggang sa makumpleto ang kinakailangang proseso, alinsunod sa itinakdang oras at mga pamantayan ng serbisyo.

3. Panatilihin ang integridad, pagiging patas, at pagiging propesyonal sa lahat ng transaksyon, nang walang diskriminasyon at may paggalang sa bawat kliyente at kawani.

4. Patuloy na pagbutihin ang mga proseso at sistema ng Human Resource Management upang maging mas episyente, epektibo, transparent, at nakatuon sa pangangailangan ng mga kawani at kliyente.

5. Pakinggan at tugunan ang mga suhestiyon, puna, at reklamo ng mga kliyente at kawani at gamitin ang mga ito bilang batayan sa patuloy na pagpapahusay ng aming mga serbisyo.

6. Magbigay ng tulong at asikasuhin ang lahat ng kliyenteng nangangailangan ng serbisyo hanggang sa pagtatapos ng opisyal na oras ng trabaho, kabilang ang oras ng tanghalian.

Citizen’s Charter

Services handled here

Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.

1 service

Also in this sector

Related offices