2nd Platoon ng 1st QPMFC, Nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
Published by
Tayabas City CICRO

NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM SI PLATOON LEADER PEMS ISRAEL PIÑERA, at ang kanyang mga kasamahan sa 2nd Platoon, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) na nakabase sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon, noong Martes, September 15, 2026.
Layunin ng pagbisita na lubos pang mapatibay ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas at ng hanay ng kapulisan upang higit pang mapaigting ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan.
Ibinahagi ni PEMS Piñera ang mga usaping may kaugnayan sa seguridad at mga programang maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng mas malapit na pakikipagtulungan ng kanilang yunit sa pamahalaang lungsod.
Nagpasalamat naman si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ni PEMS Piñera at ng kanyang mga kasamahang pulis at muling sinigurado ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa at inisyatibong naglalayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Lungsod ng Tayabas.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO
