Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
City Updates1 min read

455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao

Published by

Tayabas City CICRO

455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao
City of Tayabas · Official update

UMABOT SA APATNADAAN LIMAMPU’T LIMANG KILO NG BASURA ang nakolekta sa isinagawang 3rd Quarter River Clean-Up sa Spillway ng Ilog Alitao, sakop ng Barangay Wakas, ngayong Huwebes, September 17, 2026.

Sa direktiba ni Mayor Piwa Lim ay matagumpay na naisagawa ang 3rd Quarter River Clean-Up sa pangunguna ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sa pakikipagtulungan ng Tayabas Cooperative Development Office, bilang pakikiisa sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program at sa Iyam-Dumacaa River System Water Quality Management Area.

Tumulong sa river clean-up ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas, mga opisyal ng Barangay Wakas, Bureau of Fire Protection (BFP-Tayabas), at iba't ibang kasapi ng mga kooperatiba bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Annual International Coastal Clean-Up at World Clean-Up Day.

Sa dami ng basurang nakolekta mula sa ilog, muling nananawagan ang mga ahensyang nangangalaga sa kapaligiran na maging responsable sa pagtatapon ng basura at iwasang magtapon sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Ang wastong pagtatapon ng basura ay mahalaga hindi lamang sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran, kundi maging sa pangangalaga sa mga hayop at iba pang yamang nabubuhay sa ilog, gayundin sa kaligtasan at kalusugan ng mga pamayanang nakatira malapit dito.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao01
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao02
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao03
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao04
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao05
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao06
455 Kilo ng Basura, Nakolekta sa 3rd Quarter River Clean-Up sa Ilog Alitao07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City