BTr-Quezon, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Published by
Tayabas City CICRO

NAGING PANAUHIN NI MAYOR PIWA LIM SA KANYANG TANGGAPAN ANG MGA KINATAWAN MULA SA BUREAU OF THE TREASURY (BTr)-QUEZON PROVINCIAL OFFICE ngayong Huwebes, September 17, 2026, nang magsagawa sila ng courtesy call at pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
Kabilang sa mga bumisita sina Treasury Operations Officer-IV Chanelle Van Rea R. Almendras, at Treasury Operations Officer-III Hannilyn S. Tutor na sinamahan ni City Treasurer Benilda O. De Guzman.
Layunin ng pagbisita na personal na makaugnayan si Mayor Lim at maipabatid ang isasagawang Conduct of Book Examination sa Lungsod ng Tayabas, isang hakbang na naglalayong matiyak ang maayos na pangangasiwa at pagsusuri sa mga aklat at rekord na may kaugnayan sa pangongolekta at pamamahala ng pondo ng pamahalaang lokal.
Mainit namang tinanggap ni Mayor Piwa Lim ang mga kinatawan ng Bureau of the Treasury at nagpahayag ng buong suporta at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa isasagawang pagsusuri.
#LungsodNaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO
