Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
City Updates1 min read

United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin

Published by

Tayabas City CICRO

United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin
City of Tayabas · Official update

NAKIPAGPULONG KAY MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN NG UNITED FARMERS ASSOCIATION ngayong Huwebes, September 17, 2026, upang talakayin ang mga programa at hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas para sa kapakanan at kapakinabangan ng mga magsasakang Tayabasin.

Isa sa mga pangunahing paksa sa pagpupulong ang pagsasaayos at pagpapabuti ng mga sistema ng patubig sa mga lugar na sakop ng kanilang mga taniman. Binigyang-diin ng mga magsasaka ang kahalagahan ng maayos na irigasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na produksyon at makatulong sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura sa lungsod.

Hiniling din ng grupo na maisama ang mga magsasaka sa mga benepisyaryo ng tulong pinansyal at iba pang programa ng lokal na pamahalaan, partikular sa mga hakbang na makatutugon sa kanilang pangangailangan sa produksyon at kabuhayan. Gayundin, tinalakay rin ang iba pang pangangailangan ng sektor ng agrikultura na maaaring matugunan sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga kaukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Kasamang humarap sa pagpupulong sina City Agriculturist Rommel Abuyan at City Engineer Christian Tamaño, na tumulong sa pagtalakay sa mga usaping may kaugnayan sa agrikultura, imprastraktura at mga pasilidad na kailangan ng mga magsasaka.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin01
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin02
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin03
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin04
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin05
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin06
United Farmers Association, Tinalakay ang Pangangailangan ng mga Magsasakang Tayabasin07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City