Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
City Updates2 min read

Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 2026

Published by

Tayabas City CICRO

Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 2026
City of Tayabas · Official update

NAGTAGISAN SA HUSAY AT LAWAK NG KAALAMAN ANG MGA KINATAWAN NG IBA’T IBANG PRIMARY COOPERATIVES AT LABORATORY COOPERATIVES sa katatapos na Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 2026 na inorganisa ng Tayabas City Cooperative Development Office sa Training Room ng New Tayabas City Hall noong Miyerkules, Setyembre 16, 2026.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok, malinang ang kanilang teamwork at pagpapahalaga sa kooperasyon, at mahikayat ang patuloy na pagkatuto bilang paghahanda sa paghubog ng mga susunod na lider ng mga kooperatiba sa ilalim ng Koop Alalay/Eskwela Program.

Sa Cooperative Level, itinanghal na kampeon si Jeorge R. Maano ng Ilasan Multi-Purpose Cooperative (IMPC) at nanalo ng P3,000. Pumangalawa naman si Janette Zagala ng Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative (TCMC) at tumanggap ng P2,000 habang pumangatlo si Rosalina Baasis ng Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Ibabang Palale sa Tayabas Credit Cooperative (SNMIPTCC) na tumanggap ng P1,000.

Samantala, sa Laboratory Cooperative Level, nasungkit ni Angeline P. Potestades ng Laboratory Cooperative of Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative (TCMC) ang unang pwesto at tumanggap ng P3,000. Ikalawang pwesto naman si Kimberly T. Lalamunan, na mula rin sa Laboratory Cooperative of TCMC at nanalo ng P2,000 habang ikatlong pwesto naman si Kaira Angela Tuyo ng TCMC at tumanggap ng P1,000.

Ang mga nagwagi sa Laboratory Cooperative Quiz Bee ang kakatawan sa Lungsod ng Tayabas sa gaganaping Provincial Quiz Bee.

Si Ms. Joan Kathleen T. Brizuela ang nagsilbing Quiz Bee Master, habang si Ms. Ruth S. Rondalla naman ang naging Master of Ceremony.

Nakiisa rin sa aktibidad si TUC Chairperson/TCTSMPC Chairperson Ms. Marife R. Lagar, na nagbigay ng mensahe sa mga kalahok, gayundin si SP Chairperson, Committee on Cooperatives City Councilor Hon. Riza Mae Llaneta sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Olga Naynes.

Dumalo rin si TCCDC Chairperson Mr. Bernie G. Obmasca at Cooperative Development Specialist II ng CDA Region IV-A Ms. Mariah Athina Suzette S. Cabañeros.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202601
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202602
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202603
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202604
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202605
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202606
Mga Kinatawan ng Kooperatiba, Nagtagisan sa Cooperative and Laboratory Cooperative Quiz Bee 202607

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City