Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
City Updates1 min read

CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas

Published by

Tayabas City CICRO

CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas
City of Tayabas · Official update

TINALAKAY ANG PLANONG PAGTATAYO NG CALABARZON SUB-NATIONAL REFERENCE LABORATORY SA LUNGSOD NG TAYABAS sa pulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng DOH-Center for Health Development-Calabarzon at mga opisyal ng Lungsod ng Tayabas ngayong Lunes, September 21, 2026.

Inilahad ng mga kawani ng DOH-CHD-Calabarzon ang detalye ng itatayong pasilidad ng SNRL, kabilang ang kakailanganing 2,000 square-meters na lupa para dito.

Ikinagalak naman ni Mayor Piwa Lim ang planong pagtatayo ng nasabing pasilidad sa lungsod. At sinigurado niya sa mga kinatawan ng ahensya na sina sina Engr. Ronald Doroteo, Dr. Jaira Evangelista at Myla Velgado na susuportahan ito ng lokal na pamahalaan. Kasama ng alkalde na humarap sa pulong sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz at City Planning and Development Coordinator Enp. Gino Carlo Zaporteza.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas01
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas02
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas03
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas04
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas05
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas06
CALABARZON Sub-National Reference Laboratory, Planong Itayo sa Tayabas07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City