Ligtas Tigdas 2026, Inilunsad sa Tayabas; 42 Bata Agad na Nabakunahan
Published by
Tayabas City CICRO

SA PAGLULUNSAD NG LIGTAS TIGDAS MEASLES RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY ngayong Martes, August 11, 2026 sa Silungan Bayan ng Tayabas, agad na nakatanggap ng bakuna ang apatnapu't dalwang (42) batang may edad 6 hanggang 59 buwan.
Personal na nagtungo si Mayor Piwa Lim sa kick-off ceremony upang sumuporta sa programang Ligtas Tigdas 2026 ng Department of Health na inilunsad sa Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Tayabas City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez.
Nandoon din sina SP Committee on Health Chairperson Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, DMO-IV Dr. Maria Nicole G. Denolo-Pumarada, Family Health Unit Cluster Head Dr. Marck Nicholas O. Santos, CDC Consultant Dr. Yolanda Oliveros, Assistant City Health Officer Dr. Kristine Del Moro-Oates, at NIP Coordinator Anne Mariechy Magsipoc.
Batay sa datos ng Tayabas City Health Office, tinatayang sampung libong (10,000) bata ang target mabakunahan sa lungsod.
Nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga magulang na dalhin at pabakunahan ang mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination sites sa kanilang lugar hanggang August 28, 2026 upang makaiwas sa tigdas at maprotektahan ang mga bata.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




