Skip to content
Kalusugan2 min read

Buntis Congress, Dinaluhan ng 150 Benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program

Published by

Tayabas City CICRO

Buntis Congress, Dinaluhan ng 150 Benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program
City of Tayabas · Official update

UMABOT SA SANDAAN LIMAMPUNG (150) BABAENG BUNTIS ANG LUMAHOK SA BUNTIS CONGRESS na inorganisa ng CHO-City Nutrition Office sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Huwebes, August 20, 2026.

Dumalo sa pagtitipon sina Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Alcalen-Lim, na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga gawaing nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga ina at kanilang mga anak.

Mga benipisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life (T1K) Program ang mga lumahok sa pagtitipon na layuning palakasin ang kamalayan ng mga ina hinggil sa wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, at kahalagahan ng unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata upang matiyak ang maayos na paglaki at pag-unlad ng mga sanggol.

Pinangunahan nina Medical Officer-IV Dr. Kristine Oates at City Nutrition Action Officer Marinella Z. Chong, at mga tauhan ng City Nutrition Section ang Buntis Congress na kinapalooban ng mga mahahalagang talakayan at aktibidad para sa kapakinabangan ng mga buntis.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Carmelo Cabarrubias, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Dino Romero, PKB President Conrado Aragon, at Olga Naynes na kinatawan ni Konsehal Riza Mae Llaneta. Dumalo rin sina BHS Supervisor Marilou Villanueva, Dr. Joseph Maaño, Rotary Club of Tayabas Central President Barwin Labita at T1K President Janice Saberola.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Buntis Congress, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas ang pangangalaga sa kalusugan ng mga ina at sanggol bilang bahagi ng layuning makabuo ng mas malusog at mas matatag na komunidad.

Photo report

Scenes from the story

03
Buntis Congress, Dinaluhan ng 150 Benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program01
Buntis Congress, Dinaluhan ng 150 Benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program02
Buntis Congress, Dinaluhan ng 150 Benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program03

Source

Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

TagsTayabas City