October 20, 2025
Paghahawi ng Tabing sa Panandang Pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas

Sinimulan sa isang banal na pagdiriwang ang makasaysayang okasyon sa pangunguna ng Obispo ng Diyosesis ng Lucena, Lubhang Kagalang-galang Mel Rey M. Uy at mga kaparian ng Tayabas.
Matapos ang banal na misa, natunghayan at napakinggan ang mga mensahe at pagbati buhat sa mga Panauhing Pandanggal, Punong Lungsod ng Tayabas, Kgg. Anthony โKuya Piwaโ A. Lim, Pinuno ng Turismo Panlalawigan, G. Nesler Louies Almagro bilang kinatawan ng Gobernador ng Lalawigan ng Quezon, Direktor Carminda R. Arevalo buhat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at ang Obispo ng Diyosesis ng Lucena, na sila ding nanguna sa paglagda sa kasunduan ng Panandang Pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas na sinaksihan naman ng mga Opisyal ng Pamahalaan Panlungsod at mga panauhin.
Sinundan at nagtapos ang programa sa makasaysayang paghahawi ng tabing at pagbabasbas sa Panandang Pangkasaysayan ng Basilica Menor ni San Miguel Arkangel.
Ang pagtatanghal ng makasaysayang pananda ay isang mahalagang simbolo, isang paalala ng ating pinagmulan, at isang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐๐๐จ! ๐๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข! ๐๐ต ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐บ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ!
Photo story





Continue reading
All updates
October 22, 2025
Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Miguel Arkanghel

October 20, 2025
๐โ๐ฎ๐ต! ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด!

October 20, 2025

