About the office
Mandate and work
Mandate
Ang Tanggapan ng Traffic Operations Section ng Lungsod ng Tayabas ay naatasang tiyakin ang ligtas at maayos na daloy ng mga sasakyan at mga naglalakad sa mga lansangan. Kabilang sa aming mandato ang pagpapatupad ng mga batas trapiko, pagsasaayos at pagsubaybay sa inspeksyon ng mga sasakyan, at pagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada.
Mission
Tiyakin ang ligtas, episyente, at napapanatiling transportasyon para sa lahat sa pamamagitan ng maayos na daloy ng trapiko at epektibong pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa trapiko sa Lungsod ng Tayabas.
Vision
Isang ligtas, maayos, at disiplinadong sistema ng trapiko sa Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala at pagkontrol sa daloy ng trapiko at epektibong pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa trapiko.
Service pledge
Kami, ang Traffic Operations Section ng Lungsod ng Tayabas, ay nangangakong magbigay ng mahusay, mabilis, patas, at magalang na serbisyo sa lahat ng mamamayan nang may integridad, propesyonalismo, at dedikasyon.
Nangangako kaming tugunan ang pangangailangan ng bawat kliyente nang may paggalang, malasakit, at kasipagan, at maglingkod hanggang sa pagtatapos ng opisyal na oras ng trabaho, kabilang ang oras ng pananghalian, at ang aming tanggapan ay nagpapatupad ng 24-oras na serbisyo, pitong araw sa isang linggo (24/7) upang matiyak ang tuloy-tuloy at dekalidad na serbisyo publiko.
Ang aming pangako ay maglingkod nang buong puso, may integridad, at may malasakit para sa isang ligtas, maayos, at maunlad na Lungsod ng Tayabas.
Citizen’s Charter
Services handled here
Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.
Also in this sector

