Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines

Safety, Peace & Order

City Government of Tayabas

Office of the Disaster Risk Reduction and Management Officer

Tayabas City department heads

Office profile

Serving Tayabas with accountable, accessible public service.

About the office

Mandate and work

Mandate

Alinsunod sa Republic Act No. 10121, o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang Tanggapan ng Lokal na Pamamahala sa Pagbabawas ng Panganib at Pamamahala sa Sakuna (Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO) ay may mandatong palakasin ang kakayahan ng lokal na pamahalaan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRRMF) at ng Local Disaster Risk Reduction and Management Plan (LDRRMP). Kabilang sa mga pangunahing tungkulin nito ang pagpaplano, pagpapatupad, koordinasyon, at pangangasiwa ng mga programa, proyekto, at aktibidad na naglalayong maiwasan at mabawasan ang panganib ng mga sakuna, mapangalagaan ang buhay, kabuhayan, ari-arian, at kapaligiran, at mapalakas ang kahandaan, pagtugon, pagbangon, at katatagan ng komunidad laban sa iba't ibang uri ng panganib at sakuna.

Mission

Ang Pamahalaang Lungsod ng Tayabas, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Pamamahala sa Pagbabawas ng Panganib at Pamamahala sa Sakuna (Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO), ay nagsusulong na:
• Magbigay ng maagap, mahusay, episyente, at koordinadong serbisyo upang maprotektahan ang buhay, kalusugan, kabuhayan, ari-arian, imprastraktura, at kapaligiran laban sa mga panganib at sakuna;
• Magpatupad ng mga programa, proyekto, at estratehiya sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) na nakatuon sa pag-iwas at pagpapagaan ng panganib, kahandaan, pagtugon, at rehabilitasyon at pagbangon upang mabawasan ang epekto ng mga sakuna;
• Palakasin ang kakayahan ng mga barangay, mga institusyon, at mga komunidad sa pamamagitan ng mga pagsasanay, edukasyon, information and advocacy campaigns, at teknikal na suporta sa larangan ng Disaster Risk Reduction and Management;
• Isulong ang integrasyon ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Climate Change Adaptation (CCA) sa lokal na pagpaplano, pagbuo ng mga polisiya, at pagpapaunlad; at
• Maghatid ng episyente, responsable, makatao, at inklusibong serbisyo sa lahat ng mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna at iba pang emergency.

Vision

Isang matatag, ligtas, at handang Lungsod ng Tayabas na may mga mamamayang may sapat na kaalaman, kakayahan, at aktibong pakikilahok sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), na pinangungunahan ng isang mahusay, maagap, at responsableng pamahalaang lokal tungo sa isang ligtas, matatag, at napapanatiling pamayanan.

Service pledge

PANUNUMPA SA SERBISYO
Kami sa Tanggapan ng Lokal na Pamamahala sa Pagbabawas ng Panganib at Pamamahala sa Sakuna (Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO) ng Lungsod ng Tayabas ay buong pusong nangangakong:
• Magbigay ng mabilis, maagap, mahusay, at koordinadong pagtugon sa lahat ng uri ng sakuna, emerhensiya, at iba pang insidenteng nangangailangan ng agarang aksyon;
• Magpatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad na nakatuon sa pag-iwas at pagbabawas ng panganib sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, maagang pagbibigay ng babala, paghahanda ng komunidad, at pagpapalakas ng katatagan ng mga mamamayan;
• Magbigay ng teknikal na tulong, pagsasanay, at sapat na impormasyon upang mapaunlad ang kakayahan ng mga barangay, mga tanggapan ng pamahalaan, mga organisasyon, at iba pang sektor sa larangan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM);
• Maghatid ng tapat, patas, propesyonal, magalang, at walang kinikilingang serbisyo alinsunod sa mga umiiral na batas, mga alituntunin, at mga pamantayan ng mabuting pamamahala;
• Panatilihin ang transparency, pananagutan, at integridad sa paggamit ng pondo, kagamitan, at iba pang yaman ng pamahalaan;
• Patuloy na paunlarin ang aming mga sistema, pamamaraan, at kakayahan batay sa mga natutuhang aral, makabagong teknolohiya, at mga kinikilalang pinakamahusay na kasanayan (best practices);
• Magbigay ng 24 oras sa isang araw at pitong (7) araw sa isang linggo ng serbisyong pang-emerhensiya, kabilang ang pagtugon sa mga aksidente sa kalsada, emerhensiyang medikal, medical transport, paghahanap at pagsagip (Search and Rescue), at iba pang insidenteng may kaugnayan sa sakuna at iba pang emerhensiya; at
• Tiyaking ang aming mga serbisyo ay bukas, maaasahan, at handang maglingkod anumang oras, kabilang ang mga Sabado, Linggo, pista opisyal, at sa panahon ng mga kalamidad.

Citizen’s Charter

Services handled here

Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.

0 services

No published service guides are linked yet.

Please contact the office for available transactions and current requirements.

Also in this sector

Related offices