Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines

Safety, Peace & Order

City Government of Tayabas

Office of the City Legal Officer

Tayabas City department heads

Office profile

Serving Tayabas with accountable, accessible public service.

About the office

Mandate and work

Mandate

Ang City Legal Office ay itinatag alinsunod sa Article XI, Section 481 ng Republic Act No. 7160, na kilala bilang Local Government Code of 1991, at Republic Act No. 9398, na kilala bilang “An Act Converting the Municipality of Tayabas in the Province of Quezon into a Component City to be known as the City of Tayabas.” Ang pagtatatag ng tanggapan ay naglalayong tiyakin ang pagkakaloob ng maagap, angkop, at maaasahang serbisyong legal sa Pamahalaang Lungsod at sa mga mamamayan nito, alinsunod sa umiiral na mga batas, tuntunin, at regulasyon.

Mission

Magkaloob ng mahusay, propesyonal, may integridad, at napapanahong serbisyong legal sa Punong Lungsod, Sangguniang Panlungsod, at iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod kaugnay ng kanilang mga opisyal na tungkulin at gawain, gayundin ng mahusay at angkop na serbisyong legal sa publiko. Tiyakin ang pagsunod ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa batas at mga kaugnay na tuntunin upang maiwasan ang paglilitis at matiyak ang wastong pagtupad sa mga tungkulin nito.

Vision

Maging pangunahing katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa pagtataguyod ng makatarungan, mahusay, propesyonal, at dekalidad na serbisyong legal, tungo sa pagsusulong ng lokal na kaunlaran, pangangalaga sa kapakanan at interes ng Pamahalaang Lungsod, at pagpapatibay ng pamamahalang naaayon sa batas.

Service pledge

Kami ay nangangakong:
* Magbigay ng mahusay, propesyonal, etikal, at episyenteng serbisyong legal na naaayon sa umiiral na batas at mga kaugnay na regulasyon.

* Maglingkod nang may integridad, pananagutan, at paggalang sa lahat ng kliyente.

* Magbigay ng maagap at angkop na tulong sa lahat ng humihiling ng serbisyong legal hanggang sa pagtatapos ng opisyal na oras ng trabaho, kabilang ang oras ng pananghalian.

Citizen’s Charter

Services handled here

Open a service to view requirements, procedures, and transaction guidance.

0 services

No published service guides are linked yet.

Please contact the office for available transactions and current requirements.

Also in this sector

Related offices