Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Serbisyong Pantao1 min read

165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act

Published by

Tayabas City CICRO

165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act
City of Tayabas · Official update

165 TAYABASING LOLO AT LOLA, TUMANGGAP NG ₱10,000 BENEPISYO MULA SA NCSC

Isandaan animnapu't limang (165) Tayabasing lolo at lola ang tumanggap ng tig-₱10,000 benepisyo mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) noong Biyernes, Hulyo 31, 2026.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga kwalipikadong senior citizen sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act, na nagkakaloob ng ₱10,000 cash gift sa mga nakatatandang may edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan.

Nakiisa sa pamamahagi ng benepisyo si Mayor Piwa Lim at naghatid ng mensahe ng pagbati at pagpapahalaga sa mga benepisyaryo. Dumalo rin sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, at CSWDO Head Irma Ilocario upang makiisa sa programa at personal na batiin ang mga lolo at lolang tumanggap ng nasabing benepisyo.

Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng pambansang pamahalaan sa mga batas at programang naglalayong kilalanin at suportahan ang kapakanan ng mga nakatatandang mamamayan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act01
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act02
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act03
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act04
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act05
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act06
165 Senior Citizens sa Tayabas, Tumanggap ng ₱10,000 Benepisyo sa Ilalim ng Expanded Centenarians Act07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City