Tig-10 Kilo ng Bigas, Ipinamamahagi sa 6,428 Kwalipikadong Pamilyang Tayabasin
Published by
Tayabas City CICRO
UMARANGKADA NA ANG PAMAMAHAGI NG TIG-SASAMPUNG KILONG BIGAS SA MGA KWALIPIKADONG PAMILYANG TAYABASIN sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang (BBM) Rice Subsidy Program ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Martes, August 25, 2026.
Nilinaw ni Mayor Piwa Lim sa kanyang mensahe na “ang listahan ng mga makakatanggap ng bigas ay mula sa datos ng Community-Based Monitoring System o CBMS na ibinaba ng national government sa mga lokal na pamahalaan.”
May kabuuang animnalibo apatnadaan dalwampu’t walong (6,428) pamilya buhat sa animnapu’t anim (66) na barangay sa Lungsod ng Tayabas ang nakatakdang tumanggap ng tig-sasampung kilo ng well-milled rice.
Ngayong Martes ng umaga, August 25, 2026, tumanggap na ng ayudang bigas ang nasa 1,637 families na hinati sa dalawang batches. Una ang 793 pamilya mula sa 13 barangay, at sumunod ang pangalawang batch na binubuo ng 844 pamilya mula sa 7 barangay. Katumbas ito ng 1,637 bags o 16,370 kilos of well-milled rice.
Nakatakda namang ipamahagi ngayong hapon ng Martes ang 16,710 kilo ng bigas sa 1,671 beneficiaries buhat sa 3rd batch na binubuo ng 823 pamilya mula sa 7 barangay, at 848 na pamilya buhat sa 6 na barangay na kabilang sa 4th batch ng mga tatanggap.
Magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng bigas sa mga kwalipikadong pamilya na kabilang sa listahang ibinigay ng pamahalaang nasyunal bukas, araw ng Miyerkules, August 26, 2026. Kabilang dito ang may kabuuang 3,120 pamilya buhat sa natitirang 33 barangay. Katumbas ito ng 31,200 kilo ng bigas o 3,120 bags ng tig-sasampung kilo ng well-milled rice.
Pinangunahan ni Mayor Piwa Lim ang pamamahagi kasama sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Dino Romero, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Carmelo Cabarrubias, Konsehal Ana Obispo at CSWDO Irma Ilocario.
Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. para sa mga ganitong programa na naglalayong matulungan ang mga higit na nangangailangang mamamayan upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin at matulungang mapagaan ang gastusin ng mga apektadong sektor ng lipunan.
Photo report
Scenes from the story
Source
Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
