Dalawang Tayabasin, Muling Nakatanggap ng Wheelchair Buhat kay Mayor Piwa Lim
Published by
Tayabas City CICRO
MAGKASUNOD NA HINATIRAN NI MAYOR PIWA LIM NG WHEELCHAIR ANG DALAWANG TAYABASIN na nangangailangan ng assistive device ngayong Lunes, August 24, 2026.
Buhat sa sariling bulsa, bumili si Mayor Piwa Lim ng dalawang (2) wheelchairs para ihandog kina Alicia Adillo ng Barangay Ipilan, at Gloria Democillo ng Barangay Ibabang Ilasan.
Magkakasamang naghatid sa mismong tahanan ng mga may kapansanan sina Mayor Piwa Lim, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Carmelo Cabarrubias at PKB President Conrado Aragon.
Patuloy na tinutupad ni Mayor Piwa Lim ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na may kapansanan, at mga may limitasyon sa paggalaw. Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga wheelchair, inaasahang mas mapaalwan ang kanilang pang-araw-araw na gawain at mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.
Photo report
Scenes from the story
Source
Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
