Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Accountable And Transparent Governance1 min read

Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas

Published by

Tayabas City CICRO

Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas
City of Tayabas · Official update

KASABAY NG MAGALANG NA PAGBISITA NI GINOONG ZALDY GARIGUEZ KAY MAYOR PIWA LIM ngayong Lunes, August 10, 2026, ay nakipagpulong na rin ang Chief of Staff ni Quezon 1st District Representative Mark Enverga kina SWDO Irma Ilocario at PESO Manager-Designate Malou Montoya upang talakayin ang mga programang maaaring pagtulungan para sa patuloy na pagpapaunlad ng Lungsod ng Tayabas. Gayundin, ang mga kasalukuyang programa, inisyatiba, at pangangailangan ng kani-kanilang mga tanggapan upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko sa lungsod.

Ipinahayag naman ni Mayor Piwa Lim ang kanyang pasasalamat sa pagbisita at pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Kinatawan ng Unang Distrito ng Quezon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon, pagtutulungan, at pagkakaisa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga programang magdudulot ng positibong pagbabago at patuloy na kaunlaran para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas01
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas02
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas03
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas04
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas05
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas06
Tanggapan ni Cong. Mark Enverga, Nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City