459 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment
Published by
Tayabas City CICRO

LUMAGDA SA PANIBAGONG CONTRACT OF APPOINTMENT ANG APATNARAAN LIMAMPU'T SIYAM (459) NA JOB ORDER WAGE EARNERS ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas matapos lagdaan ni Mayor Piwa Lim ang kanilang panibagong Contract of Appointment noong Martes, August 11, 2026.
Saklaw ng panibagong kontrata ang natitirang mga buwan ng 2026, mula Agosto hanggang Disyembre. Samantalang, sumailalim rin sa orientation ang naturang mga bagong job order appointees.
Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim, hinikayat niya ang mga JOWE na isabuhay ang tapat, maayos, at may malasakit na paglilingkod sa bawat mamamayang kanilang pinaglilingkuran. Binigyang-diin niya na ang bawat kawani ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa pamahalaang lokal.
Nagbigay rin ng mensahe sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Dino Romero, Konsehal Jerry Caagbay at Konsehal Riza Llaneta, na hinikayat ang mga JOWE na ipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang pamamahagi ng Contract of Appointment sa 459 Job Order Wage Earners sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




