Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Accountable And Transparent Governance2 min read

Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan

Published by

Tayabas City CICRO

Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan
City of Tayabas · Official update

NAKIISA ANG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS SA KATATAPOS NA ULAT SA LALAWIGAN 2026 NI QUEZON GOVERNOR ANGELINA "Doktora Helen" DL TAN ngayong Lunes, August 17, 2026 sa Quezon Convention Center.

Dinaluhan ang pag-uulat ng mga pinuno at opisyal ng iba't-ibang sangay ng pamahalaan kabilang ang Lungsod ng Tayabas.

Pinangunahan ni Mayor Piwa Lim ang delegasyon ng lungsod na kinabibilangan ng kanyang maybahay, Ginang Minda Alcalen-Lim, Vice Mayor Oro Dalida, Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Melo Cabarrubias, Konsehal Manny Maraig, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Riza Llaneta, PKB President Conrado Aragon, SKF President Ren Miguel Obdianela at SP Secretary Arlene Tabelon.

Inilahad ni Governor Helen Tan sa kanyang Ulat sa Lalawigan ang mga pangunahing tagumpay at programa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na mga taon. Binigyang-diin sa ulat ang mga hakbang at proyekto na naglalayong higit pang mapabuti ang kalagayan at kalidad ng buhay ng mga Quezonian.

Kabilang sa mga pangunahing larangan na tampok sa mga naging accomplishment ng pamahalaang panlalawigan ang serbisyong pangkalusugan, edukasyon, pagpapaunlad ng ekonomiya, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapayabong ng turismo sa Lalawigan ng Quezon.

Ang pagdalo ng delegasyon ng Lungsod ng Tayabas sa naturang programa ay nagpapakita ng patuloy na pakikiisa ng lungsod sa mga inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at sa sama-samang pagsusulong ng kaunlaran para sa buong lalawigan.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan01
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan02
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan03
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan04
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan05
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan06
Tayabas LGU, Nakiisa sa Ulat sa Lalawigan 2026 ni Gov. Helen Tan07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City