Mr. Teen Tayabas 2026 Candidates, Nagpaabot ng Pagkilala at Nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
Published by
Tayabas City CICRO

NAGING PANAUHIN NI MAYOR PIWA LIM SA KANYANG TANGGAPAN ANG MGA KANDIDATO NG MR. TEEN TAYABAS 2026 ngayong Lunes, August 10, 2026.
Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa gaganaping patimpalak sa Silungan Bayan ng Tayabas sa August 21, 2026, na may layuning itampok hindi lamang ang panlabas na anyo ng mga kabataan, kundi higit sa lahat ang kanilang talino, talento, kakayahan, at malasakit sa komunidad.
Kasamang dumating ng mga kandidato sa tanggapan ng alkalde sina Event Chairperson Mayeth N. Maceda, Technical Director Mark Anthony Z. Tadiosa; Event Director Jay A. Villoria, at Zaldy Gariguez, Chief of Staff ni Quezon First District Representative Mark Enverga.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Piwa Lim ang kanyang suporta sa mga programang nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan upang malinang ang kanilang mga kakayahan, kumpiyansa sa sarili, at pagiging responsableng mamamayan. Hinikayat din niya ang mga kandidato na maging mabuting halimbawa at inspirasyon sa kanilang kapwa kabataan.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




