Kabataang Tayabasin, Bibigyang Karanasan sa Pamamahala Bilang Little Junior Youth Officials
Published by
Tayabas City CICRO

MAGALANG NA BUMISITA KAY MAYOR PIWA LIM SA KANYANG TANGGAPAN ANG MGA LITTLE JUNIOR YOUTH OFFICIALS noong Lunes, August 17, 2026, bago magsimula ang kanilang pagganap bilang mga junior counterpart ng mga lokal na opisyal ng Lungsod ng Tayabas.
Kabilang sa mga junior officials sina Jade Mark Masongsong bilang Little Mayor Piwa Lim, Andrew Joseph Salvino bilang Little Vice Mayor Oro Dalida, at ang mga gaganap bilang junior local legislators na sina Joyce Naynes, Niña Angela Tarray, Izy Caguicla, Angel Rioflorido, Joy Heart Panugan, Andrea Nevera, Kristelle Balmoso, Samantha Permalino, Angelica Zulueta, Maria Antonette Calabano, Mary Joy Gabanan at Jaiceryl E. Caballes.
Bahagi ang pagtatalaga ng mga little junior youth officials ng taunang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong buwan ng Agosto. Layunin nito na mabigyan ang mga kabataan ng pakakataon na matutunan, maunawaan at maranasan ang mga tungkulin, responsibilidad at mga gawain ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan, at bilang paghahanada na rin sa kanilang pagiging responsableng mamamayan na posibleng maging susunod na lider ng komunidad.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




