Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Accountable And Transparent Governance2 min read

202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment

Published by

Tayabas City CICRO

202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment
City of Tayabas · Official update

PANIBAGONG CONTRACT OF APPOINTMENT, IGINAWAD SA DALWANDAA’T DALWANG JOB ORDER WAGE EARNERS || Tiniyak ang pagpapatuloy ng serbisyo ng 202 Job Order Wage Earners (JOWE) ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas matapos lagdaan ni Mayor Piwa Lim ang kanilang panibagong Contract of Appointment.

Saklaw ng panibagong kontrata ang natitirang mga buwan ng 2026, mula Agosto hanggang Disyembre. Kaugnay nito, sumailalim sa orientation ang naturang mga bagong job order appointees ngayong Lunes, August 10, 2026, kung saan nagbigay ng mensahe si Mayor Piwa Lim.

Ayun sa alkalde, “mahalaga ang pagkakaroon ng isang malinis, maayos, at drug-free na pamahalaang lokal kung saan nagtatrabaho at naglilingkod ang mga kawani.” Kaugnay nito, inihayag niya ang isasagawang random drug testing sa mga kawani anumang araw simula ngayon.

Hinikayat din ni Mayor Piwa Lim ang mga JOWE na isabuhay ang tapat, maayos, at may malasakit na paglilingkod sa bawat mamamayang kanilang pinaglilingkuran. Binigyang-diin niya na ang bawat kawani ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa pamahalaang lokal.

Nagbigay rin ng mensahe si Konsehal Jerry Talaga, na hinikayat ang mga JOWE na ipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Dumalo rin sa nasabing orientation si Colegio de la Ciudad de Tayabas (CCT) College Administrator Dr. Farley Abrigo.

Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang pamamahagi ng Contract of Appointment sa 202 Job Order Wage Earners sa Training Room ng New Tayabas City Hall.

Nakatakda namang sumailalim sa kaparehong orientation at proseso ng appointment ang mga natitirang batch ng JOWE sa mga susunod na araw.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment01
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment02
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment03
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment04
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment05
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment06
202 Job Order Wage Earners, Binigyan ng Panibagong Contract of Appointment07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City