Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Edukasyon At Teknolohiya1 min read

Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim

Published by

Tayabas City CICRO

Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim
City of Tayabas · Official update

ANG PAGSASAAYOS NG MGA SIRANG SILID-ARALAN NG TAYABAS WEST CENTRAL SCHOOL-I ang naging pangunahing paksa sa katatapos na pagpupulong nina Mayor Piwa Lim at ng mga miyembro ng Tayabas West Central School Parent-Teacher Association, sa pamumuno ni SPTA President Leah A. Espiritu at school principal Lea A. Cosico.

Nagkortesiya ang mga guro at magulangin sa tanggapan ng punong lungsod ngayong Martes, August 18, 2026 upang talakayin ang pagtugon sa mga pangangailangan ng paaralan, partikular ang pagkukumpuni ng mga silid-aralan upang matiyak ang mas ligtas at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral at guro. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga opisyal ng samahan para anyayahan ang alkalde sa kanilang isasagawang SPTA Induction Ball sa darating na September 4, 2026.

Nagpaabot ng lubos na pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa patuloy na pagsuporta upang higit na mapapaunlad ng mga pasilidad at kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Humarap din sa pulong sina City Engineer Christian Tamaño at General Services Officer Cecil Potestades.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim01
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim02
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim03
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim04
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim05
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim06
Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa Tayabas West Central School-I, tinalakay kay Mayor Piwa Lim07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City