Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Edukasyon At Teknolohiya1 min read

Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim

Published by

Tayabas City CICRO

Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim
City of Tayabas · Official update

NAG-COURTESY CALL SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN NG TAYABAS EAST CENTRAL SCHOOL PARENT-TEACHER ASSOCIATION (SPTA), sa pamumuno ni SPTA President Jecel Pabularcon, ngayong Martes, August 18, 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita na anyayahan ang alkalde sa gaganaping Induction Ceremony ng TECS-PTA. Ibinahagi rin nila ang mga pangunahing programa at adhikain ng samahan upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at ng pamahalaang lokal para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng mga mag-aaral.

Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kapakanan at kinabukasan ng kabataang Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Photo report

Scenes from the story

07
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim01
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim02
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim03
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim04
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim05
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim06
Kapakanan ng mga Mag-aaral, Sentro ng Pakikipagpulong ng TECS-PTA kay Mayor Piwa Lim07

Source

Tayabas City CICRO

TagsTayabas City