San Roque Parochial School, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Published by
Tayabas City CICRO
NAG-COURTESY CALL SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN NG DIOCESE OF LUCENA SAN ROQUE PAROCHIAL SCHOOL, INC., at ang mga opisyal ng School Parent-Teacher Association ngayong Martes, August 25, 2026, sa pangunguna nina School Director Rev. Fr. Gerald J. Garcia at School Principal Raquel L. Pacaigue upang ipabatid sa alkalde ang mga proyektong isasagawa ng kanilang paaralan at upang humingi ng suporta sa matagumpay na pagpapatupad ng mga ito.
Bahagi rin ng pagbisita ang pagpapatibay ng ugnayan at pagtulungan ng paaralan at ng lokal na pamahalaan, lalo na sa mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan at oportunidad ng mga kabataan.
Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mga programa at inisyatibang makatutulong sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa mga kabataang Tayabasin.
Photo report
Scenes from the story
Source
Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
