
Sa likod ng matagumpay na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas nitong nakaraang linggo, ay ang sama-samang pagsisikap ng mga dedikadong tauhan mula sa Built Heritage Maintenance Personnel (BHMP) ng Tanggapan ng Kultura at Sining, General Services Office (GSO), City Engineering Office, Tauhan mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, pangkat ng tauhan mula Basilica Menor ni San Miguel at ilang miyembro ng mga tagapagtaguyod ng kultura at kasaysayan ng Tayabas na pangunahing mga nagsulong upang maisaayos at muling maitanghal ang panandang pangkasaysayan ito.
Hindi biro ang proseso ng paglalagay ng isang panandang pangkasaysayan. Ito ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano, tamang koordinasyon, at pusong may tunay na malasakit sa ating pamanang pangkasaysayan. Sa kanilang sipag at pagtutulungan, sa kabila ng iba pang kaabalahan, matagumpay na naitayo at nailunsad ang panandang ito na magsisilbing paalala ng ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ถ๐ป.
Ang gawaing ito ay patunay na patuloy ang lokal na pamahalaan ng Tayabas sa pangunguna ng Tanggapan bg Turismo, Kultura at Sining at ni Mayor Anthony โ Piwa โ Lim sa pagsusulong ng pagpapanatili ng mga makasaysayang pook, bilang pagkilala sa mga ugat ng ating pagkakakilanlan bilang mga anak ng Tayabas.
๐๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐จ๐ถ๐บ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข ๐ข๐ต ๐๐ข๐ด๐ข๐บ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ!
Photo story









