Ika-128 Araw ng Tayabas, Maringal na Ipinagdiwang sa Lungsod ng Tayabas
Published by
Tayabas City CICRO

PINANGUNAHAN NI QUEZON GOVERNOR ANGELINA “DOKTORA HELEN” DL TAN AT TAYABAS CITY MAYOR ANTHONY “KUYA PIWA” ABUSTAN LIM ang mga Mayor at kinatawan ng iba’t ibang bayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Panlungsod, mga panauhing pandangal buhat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lokal at nasyunal na dumalo sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Tayabas, Araw ng Kalayaan ng Lalawigan ng Quezon, noong Huwebes, August 13, 2026, sa Patio ng Basilika Menor ni San Miguel Arkanghel, Lungsod ng Tayabas.
Kabilang sa mga naging panauhin sina Alabat Municipal Mayor Eizelle Avellano-Camino, Buenavista Municipal Mayor Reynaldo Rosilla, Jr., Dolores Municipal Mayor Orlan Calayag, Gumaca Municipal Mayor Webster Letargo, Real Municipal Mayor Julie Ann Macasaet, Quezon Municipal Mayor Juan Escolano, San Antonio Municipal Mayor Erick Wagan, Padre Burgos Municipal Mayor Ruben Diokno, at Sariaya Municipal Mayor Marivic Gayeta. Gayundin sina Atimonan Tourism Officer Airey Alano, Edison Agarao of Burdeos, Cepreano Pujeda of Gen. Nakar, Angelo Ken Flores of Guinayangan, Jenifer Babat ng Lucban, Jayjay Catapangan ng Pagbilao, Sampaloc Tourism Officer, Konsehal Maja Landicho ng Tiaong, at Unisan Administrative Officer.
Nakiisa din sa paggunita ng Araw ng Tayabas sina Bokal Julius Luces, Bokal Sam Nantes, Bokal Doc Kim Tan, Provincial Tourism Officer Nesler Almagro, at Quezon 1st District Representative Chief of Staff Zaldy Gariguez.
Maliban kay Vice Mayor Oro Dalida na hindi nakadalo sa okasyon dahil sa isinasagawang Vice Mayor's League Conference, kumpletong dumalo ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Dino Romero, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Phaula Nadres, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Melo Cabarrubias, Konsehal Manny Maraig, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Riza Llaneta, PKB President Conrado Aragon at SKF President Ren Miguel Obdianela.
Higit namang naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa mga mensaheng ibinahagi nina Director Pablo Gabriel Malvar at UNESCO National Commission of the Philippines Secretary General Dr. Ivan Anthony Henares.
Dumalo rin at pinangunahan ni City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz at ng mga Department and Section Heads ang mga kawani ng LGU-Tayabas City. Gayundin si Ginang Minda Lim, maybahay ni Mayor Piwa Lim.
Naging tunay na masagana din ang salu-salong inihanda para sa mga panauhin kung saan mga heirloom dishes ang inihain kagaya ng pinais, ginisang patola na may misua, ubod na may tahore at sinugnong tilapia. Masiglang sinaludar nina SP Committee on Tourism, Culture and the Arts Chairperson Ana Obispo ang mga panauhin sa Garden Hall ng Kamayan sa Palaisdaan.
Ang City Tourism Office, sa pamumuno ni Tourism Officer Wenda Saberola ang namahala at naging punong-abala sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Tayabas, Araw ng Kalayaan ng Lalawigan ng Quezon.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




