Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, Ginunita sa Tayabas
Published by
Tayabas City CICRO
GINUNITA AT BINIGYANG-PUGAY ANG IKA-148 TAONG KAARAWAN NI PANGULONG MANUEL LUIS QUEZON sa pamamagitan ng isang programa sa bantayog ng Ama ng Wikang Pambansa sa Tayabas Old Municipal Building ngayong Miyerkules, August 19, 2026.
Nanguna si Mayor Piwa Lim sa mga opisyal at kababayang nakilahok sa pagdiriwang kung saan isa ang alkalde sa nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Quezon.
Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim, sinabi niya na "sa pagdiriwang na ito patuloy nating alalahanin ang mahalagang ambag ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang ama ng ating pambansang wika, ang wikang Filipino. Isabuhay natin ang kanyang pagmamahal sa bayan, ang kanyang paninindigan, at ang kanyang paniniwala na ang bansang Pilipinas ay nakasalalay sa mga mamamayang may malasakit at pagmamahal sa kapwa at sa bayan."
Nagpahayag din ng kanilang mensahe ng pagbati sina Punong Kumitiba para sa Tourismo, Sining at Kultura Konsehal Ana R. Obispo at City Tourism Officer Wenda Saberola-De Torres.
Dinaluhan ang programa nina Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Lus Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, PKB President Conrado Aragon, SK Federation President Ren Miguel Obdianela, City Tourism Operation Officer Koko Pataunia, TCAO Focal Person Miguel Romero, Tayabas Component City Police Station Chief PLTCOL Bonna A Obmerga, BFP-Tayabas Fire Marshall FCINSP Fernando C Castillo, at iba't ibang samahan sa lungsod ng Tayabas.
Pinamahalaan ang programa ng mga tauhan ng City Tourism Office at Tayabas Culture and the Arts Office.
Photo report
Scenes from the story
Source
Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
