Skip to content
Turismo1 min read

Tayabasing Talento, Nag-uwi ng Karangalan sa Likhang Niyogyugan

Published by

Tayabas City CICRO

Tayabasing Talento, Nag-uwi ng Karangalan sa Likhang Niyogyugan
City of Tayabas · Official update

BUONG PAGMAMALAKING IPRINESENTA KAY MAYOR PIWA LIM NG MGA TAYABASING PINARANGALAN SA LIKHANG NIYOGYUGAN ang kanilang natanggap na award nang bumisita sila sa tanggapan ng alkalde ngayong Huwebes, August 20, 2026.

Matagumpay na naipanalo bilang 4th Runner-Up sa kategoryang Miniature Agri-Tourism Booth, na may kaukulang gantimpalang nagkakahalaga ng ₱60,000 ang likha nina Leee Laviña at Roselle Mae Dalida.

Taos-pusong nagpasalamat sina Leee at Roselle sa suporta at paggabay na kanilang natanggap mula sa pamahalaang lokal sa pamamagitan ng City Tourism Office. Ayon sa kanila, “malaking bahagi ng aming tagumpay ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng sining, turismo, at mga lokal na talento.”

Pinuri naman ni Mayor Piwa Lim ang kanilang dedikasyon at husay na nagbigay ng karangalan sa Tayabas. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga indibidwal na nagpapakita ng kahusayan at pagmamalaki sa kultura at identidad ng lungsod.

Nanguna sa pagbisita sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim si City Tourism Officer Wenda Saberola, Administrative Officer-V Miguel Romero, Supervising Tourism Operations Officer Koko Pataunia, at mga kawani ng tanggapan.

Patuloy na ipinagmamalaki ng Lungsod ng Tayabas ang mga mamamayang tulad nina Leee Laviña at Roselle Mae Dalida na nagsisilbing inspirasyon at patunay ng talento at pagkamalikhain ng bawat Tayabasin.

Photo report

Scenes from the story

03
Tayabasing Talento, Nag-uwi ng Karangalan sa Likhang Niyogyugan01
Tayabasing Talento, Nag-uwi ng Karangalan sa Likhang Niyogyugan02
Tayabasing Talento, Nag-uwi ng Karangalan sa Likhang Niyogyugan03

Source

Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

TagsTayabas City