Mayor Piwa Lim at mga Opisyal, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque
Published by
Tayabas City CICRO

DUMALO SA BANAL NA MISA, NAKIHALUBILO SA MGA TAO, AT NAKISALO SA MASAGANANG HANDA PARA SA KAPIYESTAHAN NG PAROKYA NI SAN ROQUE SINA MAYOR PIWA LIM AT MGA KASAMANG OPISYAL noong Linggo, August 16, 2026, sa Barangay Ilayang Ilasan.
Kasama ng alkalde sa pamimiyesta sina Konsehal Dino Romero at Konsehal Jerry Caagbay. Samantalang naging mass celebrant naman sina Rev. Fr. Gerald J. Garcia, kura paroko ng parokya ni San Roque, kasama ang iba pang aktibo at retiradong mga pare at Obispo.
Si San Roque ay kilala bilang patron laban sa salot, mga may malubhang sakit, at mga aso. Ipinagdiriwang ang kanyang kapiyestahan tuwing ika-15 hanggang 16 ng Agosto sa Ilasan at mga sakop na barangay ng parokya.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO




