Malugod ko po kayong inaanyayahan na bisitahin at tingnan ang ating bago at mas komprehensibang Tayabas City Website.
Bilang inyong Punong Lungsod, isa sa mga adhikain ko ay ang digitalization ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Tayabas—upang mas pabilisin at mas pagaanin ang mga prosesong pakikinabangan ng mga Tayabasin. Isa lamang ang website na ito sa mga makabuluhang digitalization projects ng inyong lingkod.
Nawa ang website na ito ay magsilbing tulong sa lahat na nagnanais malaman ang mga importanteng impormasyon patungkol sa pamahalaang lokal, mga serbisyo, at mga programa para sa bayan.
Mahaba pa ang landas na ating tatahakin. Marami pang hamon at pagsubok ang kakaharapin—ngunit sama-sama nating itataguyod ang tunay na maunlad, tunay na masaya, at tunay na mapayapang Lungsod ng Tayabas.
Hon. Anthony “Kuya Piwa” A. Lim
City Mayor


